Saturday, May 30, 2009

June 8, 2009.

PASUKAN NA.

at hindi na ako ang estudyante.
hindi na rin ako ang tuturuan.
pero alam kong mas marami akong matutunan.

hindi ko alam kung anung klaseng gubat ang sasalubong sa akin sa otso.

ang alam ko lang dapat akong maghanda.

TEACHER LYNNETTE.
Sana makayanan mo.AJA!

Tuesday, May 26, 2009

Siya


RODERICK CARIASO URPIANO.


Sa mga di nakakaalam, siya ang aking boyfriend,bestfriend,confidante,brother at part-time father(may ganoon??).

halos 3 years na rin kami, sa july 15 ang anniversary. :D at siya lang ang naging boyfriend ko ng sobrang tagal.
Unusual ang pagkakilala namin sa isa't isa. may boyfriend ako that time. at sure na ako sa ex kong yun. tapos bigla na lang siyang dumating. Nagkaroon tuloy ako ng second thoughts. at sa kalaunan, siya ang pinili ko. na hindi ko naman pinagsisihan. masaya ako ngayon. sa kanya.

Si Erick? MultiTasking yan. Mahilig sa basketball(sa court), mahilig sa Online Games, at sa Movies. Siya ang dahilan kung bakit nahilig na ako sa action-gore-patayan movies. at sa sinehan(hindi kasi ako mahilig manood sa sine dati). Siya ang nagturo sa aking kumain ng fishbols at kwek-kwek. at Siya rin ang nagturo ng tamang diskarte sa pagshoot ng bola sa ring(sa basketball court.:D). Siya rin ang dahilan kung bakit ako ngayon mahilig sa Love Songs. Dati puro hardcore lang pinapakinggan ko. Tinuruan din niya akong magDotA. at sa kung anu-ano pa mang laro. Siya ang nagturo sa akin kumain ng gulay. at ang kahalagahan ng FastFood. Siya ang dahilan kung bakit ako nakasulat ng dalawang notebook na punong-puno ng love poems para sa kanya. Siya rin ang rason kung bakit ako nag-aayos. kung bakit ako naging blooming. Siya ang nagpakita ng tunay na ganda ko, na dati hindi ko naman napapansin. Sa kanya ako umiyak ng sobra-sobra. Dahil sa kanya, natutunan ko ang word na "MISS" at kung paano eto nakakamatay. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng pagmamahal sa sarili ko. dahil naniniwala siya na "hindi lang dapat dalawang tao sa relasyon, dapat meron ikaw, siya at kayong dalawa". Dahil sa kanya, narenew ung faith ko. Dahil sa kanya, naapreciate ko ang ulan at payong. at ang gabi. Sa kanya ko natutunan ang Spontaneity. at little surprises. at unexpected kisses. Siya ang nagturo sa akin ng freedom. Hindi kasi siya istrikto. Naniniwala siya sa free-will. at dahil sa kanya, natutunan ko ang happiness.

hindi man siya ang pinakaperpektong lalake.
pero para sa akin, sapat na siya,

dahil siya ang nagbibigay ng saya sa buhay ko.

Eh sa walang masabi eh!


"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa
tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod ako sa pagngiti!”
- Smiley


May Nagdadalaga




Buti pa siya, nakamove-on na sa pagkabata, ako kaya?

Saturday, May 23, 2009

Wiretapping is Legal

$5,518,128. take note, dollars ha.
iwawiretap mo lang ang usapan ng FBI.
OMG. ganun kasimple.
kung ganito lang kasimpleng magkaroon ng limpak limpak na pera.
hindi ko na proproblemahin kung saan kukunin ang pantustos ko sa luho ko sa libro.

oh, MAFIA WARS.
kung totoo ka lang sana.

Friday, May 22, 2009

CS Instructor

"Please be informed that the 1st ICS Faculty and Staff meeting will be on June 4, 8 A.M at the ICS Accreditation Room. For your Compliance."
Sender: Dr. Vasay
Sent: 09:55:44 P.M

Yahoo! Isa na akong ganap na Computer Science Instructor. Anu kaya pwedeng maging istilo sa pagtuturo. Ideas, anyone? bibigyan ko ng potchi burger ang magbibigay ng greatest idea. hehe.

Fail Talaga

fail owned pwned pictures

Kailangan na talagang ipatupad ang Reproductive Health Bill.
now na.as in now na.

Dr. Love Portion by Lynet :D

[serious mode naman :D]

This topic came out from nowhere, naisip ko na lang, siguro for a fact na lagi kong nararamdaman. Ang pinakacliche sa lahat ng cliché. Ang pinakapaboritong topic ng lahat, at eto ang dahilan kung bakit ang matalino nagiging tanga, ang duwag nagiging matapang, ang malungkot nagiging masaya, ang luha nagiging ngiti. Clueless pa rin? Eh ano pa nga ba.. Clueless naman talaga minsan ang tao pagdating sa L-O-V-E which spells H-A-P-P-I-N-E-S-S para sa mga taong nasa cloud-9 ang pakiramdam at D-E-S-P-A-I-R naman sa mga taong pinagsakluban ng langit at lupa. Kaya iisahin ko ang problemang may kinalaman sa usaping puso at bibigyan nating ng "possible" solutions na optimistically magwowork sa mga taong tuliro at hindi na alam ang gagawin.

Love Problem 1:
"It's not you..I'ts me.."
Familiar? Because it's the safest line to say na "ayoko na sa'yo"..siguro tama rin ang linyang to na wala naman sa'yo ang problema kundi dahil nararamdaman lang nya na hindi na talaga siya masaya sayo. Actually, may nabasa nga ako eh, na ang LOVE eh nagiging LOVE pag dumating yung time na wala na yung kilig factor pero you still want to be with that person because of one word na kinakatakutan ng karamihan: COMMITMENT. Sa case ng mag-asawa, diba nagfafade din yung Kilig factor na naranasan nila nung teenagers pa sila. Yung chocolates, flowers and kung anu anu pang nakakapagbigay ng diabetes sa katawan. Pero they stay with each other not with the fact that they have children but because they are committed with each other. Kaya pag sinabi sayo na "it's not you, it's me", think of the positive side na lang na sinabi niya yun kasi kung hindi ka prinangka, you'll just have to live with a lie na kunwari ang sweet sweet niya pero pag nakatalikod ka na, mas matamis naman siya sa iba. Ouch, napakasakit nun dibah? Kapag sinabi sa'yo to, sabihin mo lang "It's a good thing you know. Alangan naman ako, na I did spent my time, effort and love. Hindi naman ako ung nawalan eh, Ikaw." then do the pamatay pivot and flip your hair. Bah, deadma. Alam ko masakit, pero ganun talaga, kailangan masaktan para matuto para next time na nagmahal ka na, you'd be careful about the decisions you make. =)

Love Problem 2: Jealousy
Nagiging suspicious kapag may dumating na text message sa cell phone nya, napatingin lang siya sa iba, nagnonose flare ka na like a dragon, maski hindi naman dapat pagselosan eh pinagseselosan na. Pumapasok ang paranoia sa utak at nagiging praning na sa lahat ng oras. Alam ko ang feeling kasi aminado ako selosa rin ako. Unconscious ang pagiging selosa, pero kapag nakakakita ako ng ganun, nagaaway sa kalye dahil lang sa tumingin yung lalake sa iba, at kulang na lang mag world war 3, nasabi ko tuloy sa sarili ko, pangit palang maging over-jealous. Unang una nakakasira ng poise at pangaalawa nagkakaroon ng distrust na pwedeng makasira ng isang relasyon. Ang dapat gawin ng isang selosa, magkaroon ng confidence. Have time for yourself. Magpaganda ka, Gawin mo yung gusto mo, Girl-bonding, etc etc. kasi if you'll spend your time with your guy all the time, 24/7 eh masasakal talaga yun. One reason kung bakit may jealousy dahil sa walang certainty. Sa sarili at sa taong mahal mo. In the first place, bakit ikaw ang napili niya kung hindi niya alam na you are loveable enough to love. From a pool of people, ikaw ang nagstand-out sa mga mata niya. Kaya be confident, girl! Kasi ikaw ang minahal niya at hindi yung mga taong pinagseselosan mo.

Love Problem 3: Contentment
Minsan talaga ang tao hindi kuntento. Gusto ng ideal guy na pagsisilbihan,paglalaba, pagluluto , ipaglilinis, ihahatid siya at etc etc. Maghanap ka na lang kaya ng katulong na pwede mong utusan? Hehe. At meron naman ng iba, ang gusto eh bilhan siya nang kung anu ano, magopen ka na lang kaya ng bank account mo para mabilhan mo sarili mo ng gusto mo gamit ang sarili mong pera. Minsan kasi lampas heaven yung expectation natin sa taong mahal natin.What makes a person is his imperfections. Kasi kung perfect ang mahal mo, eh malamang mataas ang standard nun at siguro hindi na ikaw yung pipiliin niya. Ako, dati, ang dami dami kong gustong qualifications, dapat mabait, gwapo, bibigyan ako ng roses araw-araw, ihahatid ako, idadala ako sa mahahaling kainan pero naisip ko, masyadong wala nang thrill. Sabi nila Big things comes from small packages. Mas maganda yung napapangiti ka sa mga corny jokes, kumakain ng fishbols pero masaya naman kayo, mga ganung spontaneous na bagay, kasi hindi naman mapapantayan ng material things ang happiness na pwede mong maramdaman dahil sa mga simple gestures na hindi man ganun kaengrande pero it'll give you a lasting memory.

Hay, LOVE, a four complicated letter, well, figuratively..

Alam ko marami pang problema ang maiaassociate sa love. Pero ang best advice of all, LOVE YOURSELF first.. =)
Kasi kung nasaktan ka, walang ibang matitira sa'yo kundi yang sarili mo..pero habang kaya mo magmahal ka ng buo at totoo.
Hayyyy, napakaoxymoron ng love..

Someone may come to swim in your ocean, but remember, it's your water...
Love Yourself.
:)

Thursday, May 21, 2009

Over.


May topak na ata ang minamahal kong laptop. Naggame marathon kasi ako ng may kakwenta-kwentang cooking academy. Sinimulan ko na 8.30 ng umaga, tapos nakaunlock ako ng 6 world cuisine. natapos ng alas tres(kasama na ang pagligo at ang lunch ko dun, hindi naman ako ganun kaparaning maglaro.) tinigil ko lang nung nth time ng nagshshutdown ang laptop ko.(sayang nasa thai cuisine na ako) pero gaya nang inaasahan, hanggang laro na lang siguro ang pagiging chef in the making ko. tsk tsk tsk. kawawa naman ang mapapangasawa ko.

kung sa "paggawa ng wala" din lang ang paguusapan, naku expert ako diyan. hehe.
at ang mga kapraningan ko tuwing wala akong magawa eh;

1. Magkutkot ng makakain sa ref hanggang wala ng laman at papagalitan na ako ng lola ko.
2. Magbrowse ng kung anu-ano. Thank God for the Internet at kay Leonard Kleinrock, ang unang nakaisip nang konsepto ng Internet. at yan ay galing din sa Google. Pauso lang ulit.
3. Mag-isip ng gagawing journal kuno. para kunwari may substance lagi ang ulo ko. kunwari lang.
4. Makinig ng kanta.hanggang matapos ang 2615 songs sa itunes ng isang upuan lang.
5. MagGM(group message) sa mga kaibigan at bumuo ng "Anti-Hayden Kho Manyak Movement" at ipropose na bitayin siya at putulan ng __________.. (censored)
6. Iupdate lahat ng Scattered Accounts sa internet. mapaFriendster, FaceBook o Multiply man.
7. Mag-isip. hanggang sumabog ang ulo. at ilagay sa blog ang mga kalat.

Whatever.
Pauso.

Tag-Ulan Playlist

anu ang maganda sa tag-ulan?
tatlong bagay.
1.humilata sa kama
2.matulog
3.magsoundtrip

:D
speaking of soundtrip.
siyempre di mawawala ang playlist. para sa dalawang rason.
1.pampatulog.
2.pampaalala ng utang.

HAHAHA.

meron din akong listahan para sa rainy-day-playlist.
tested and proven. na nakakarelax. :D at nakakapagpapaalala ng memories.
oh lovely memories.

  • Banana Pancakes-Jack Johnson
  • Better Together-Jack Johnson
  • lahat ng kanta ni jack johnson :D
  • Wouldn't it Be Nice-Beach Boys
  • Miss You Love-SilverChair
  • Come On get Higher-Matt Nathanson
  • Love-Matt White
  • Kumot at Unan-APO Hiking Society
  • Just Like Heaven-Katie Melua
  • Kiss the Rain-Billy Myers
  • Antukin-Rico Blanco
  • In my Place-ColdPlay
  • FireWater-Yellowcard
  • Angels-Within Temptations
  • Against the Wall-Natalie Imbruglia

:) yan. ang saya-saya ng tag-ulan.

opowh

Bakit ba ang hilig hilig ng mga teenagers ngayon sa monosyllabic text messaging?
hindi ba nila alam na nakakairita yun?(pananaw ko lang.)

Ako: Hello, andito na yung prize mo sa office, kunin mo na lang.
Siya: Owh CgeH PowH, PupuntAh nah Lang Powh Akowh JaN!
Ako: Okay!

Pero deep inside. pakshet.
HAHAHAHAHAHAH.

hindi ko tuloy lubos maisip kung ganun ka magsalita sa verbal way.
malamang lahat ng tao ubos na ang hangin kakasambit ng H at W sa huli.
yung tipong ubos na ang oxygen sa katawan mo at hahandusay ka na lang diyan sa tabi.

isipin mo ha. ang simple lang naman ng "po at opo", bakit kailangan pa dagdagan ng "wh".
langya. paarte effect. pero sa gaya kong medyo conscious sa grammar at proper text decorum,
it's a BIG no-no for me. Sa akin lang naman yun.

pero aminin mo, nakyukyutan ka ba sa ganun?
sasakit lang ulo mo.

bagong blog.bagong kalat.

May bago na namang kalat sa internet. tsk tsk tsk.

Napagisip-isip ko lang kasi gumawa ng blog na pwede kong ilagay ang mga randomness na lumalabas minu-minuto sa utak ko. Hindi naman pwede sa multiply site ko sa kadahilanang may pagkapormal eto. at medyo pagirl. hehe. kaya pinanganak ang "mga whatevers ni lynet".. Walang pormal sa site na eto. Walang kaartehan or something. Purong Random lang. at may humor na rin.

basta.ayun na yun. whatever.