Bakit ba ang hilig hilig ng mga teenagers ngayon sa monosyllabic text messaging?
hindi ba nila alam na nakakairita yun?(pananaw ko lang.)
Ako: Hello, andito na yung prize mo sa office, kunin mo na lang.
Siya: Owh CgeH PowH, PupuntAh nah Lang Powh Akowh JaN!
Ako: Okay!
Pero deep inside. pakshet.
HAHAHAHAHAHAH.
hindi ko tuloy lubos maisip kung ganun ka magsalita sa verbal way.
malamang lahat ng tao ubos na ang hangin kakasambit ng H at W sa huli.
yung tipong ubos na ang oxygen sa katawan mo at hahandusay ka na lang diyan sa tabi.
isipin mo ha. ang simple lang naman ng "po at opo", bakit kailangan pa dagdagan ng "wh".
langya. paarte effect. pero sa gaya kong medyo conscious sa grammar at proper text decorum,
it's a BIG no-no for me. Sa akin lang naman yun.
pero aminin mo, nakyukyutan ka ba sa ganun?
sasakit lang ulo mo.
Thursday, May 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment