Thursday, May 21, 2009

Over.


May topak na ata ang minamahal kong laptop. Naggame marathon kasi ako ng may kakwenta-kwentang cooking academy. Sinimulan ko na 8.30 ng umaga, tapos nakaunlock ako ng 6 world cuisine. natapos ng alas tres(kasama na ang pagligo at ang lunch ko dun, hindi naman ako ganun kaparaning maglaro.) tinigil ko lang nung nth time ng nagshshutdown ang laptop ko.(sayang nasa thai cuisine na ako) pero gaya nang inaasahan, hanggang laro na lang siguro ang pagiging chef in the making ko. tsk tsk tsk. kawawa naman ang mapapangasawa ko.

kung sa "paggawa ng wala" din lang ang paguusapan, naku expert ako diyan. hehe.
at ang mga kapraningan ko tuwing wala akong magawa eh;

1. Magkutkot ng makakain sa ref hanggang wala ng laman at papagalitan na ako ng lola ko.
2. Magbrowse ng kung anu-ano. Thank God for the Internet at kay Leonard Kleinrock, ang unang nakaisip nang konsepto ng Internet. at yan ay galing din sa Google. Pauso lang ulit.
3. Mag-isip ng gagawing journal kuno. para kunwari may substance lagi ang ulo ko. kunwari lang.
4. Makinig ng kanta.hanggang matapos ang 2615 songs sa itunes ng isang upuan lang.
5. MagGM(group message) sa mga kaibigan at bumuo ng "Anti-Hayden Kho Manyak Movement" at ipropose na bitayin siya at putulan ng __________.. (censored)
6. Iupdate lahat ng Scattered Accounts sa internet. mapaFriendster, FaceBook o Multiply man.
7. Mag-isip. hanggang sumabog ang ulo. at ilagay sa blog ang mga kalat.

Whatever.
Pauso.

No comments:

Post a Comment